Lalaki, Sugatan Matapos Mahulog sa 50-Metro na Lalim ng Bangin sa Mt. Province

Cauayan City, Isabela- Kasalukuyan na nagpapagaling ang drayber ng Ford Ranger pickup na may plakang C3 Y646 matapos mahulog sa 50-metro na lalim ng bangin madaling araw noong Abril 17,2022 sa Sitio At-ato, Bontoc ili, Bontoc, Mountain Province.

Kinilala ang biktima na si Clarence Amogan Caballero, 35-anyos, may asawa at residente ng Central Balili, La Trinidad, Benguet.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, binabagtas ng biktima sakay ng kanyang pickup ang bahagi ng daan patungo sa Barlig, Mountain Province ng mawalan ito ng control sa steering wheel habang nagmamaniobra para ma-overtake ang isang van na humantong sa kanya para dumiretso sa guard rails dahilan para mahulog ang sasakyan sa bangin.

Dahil sa insidente, agad na rumesponde ang mga awtoridad para iligtas ang biktima at maisugod sa pinakamalapit na pagamutan para sa kaukulang medical attention.

Nagtamo ng multiple injuries secondary to a Motor Vehicular Accident na ikinonsiderang thoracoabdominal trauma.

Kasabay nito ay nagpaalala ang Bontoc MDRRMC sa lahat ng motorista na magdoble ingat habang nagmamaneho ng sasakyan.

Facebook Comments