Vote buying, malinaw na election offense – COMELEC

Iginiit ng Commission on Elections na isang election offense ang vote buying.

Kasunod ito ng naging pahayag ni Vice President Leni Robredo na maaaring tanggapin ang perang alok ng ilang politiko pero bumoto pa rin ng nakaayon sa kanilang konsensya.

Sa Twitter ni COMELEC Spokesperson James Jimenez, sinabi nitong mahigpit na ipinagbabawal ang vote buying anuman ang financial situation o hangarin nito.


Dagdag pa niya, ito ay maling gawain at hindi dapat iminumungkahi sa mga botante.

Samantala, nilinaw ni Robredo na hindi niya pinapayagan ang vote buying pero ito raw ang reyalidad na nangyayari sa maraming lugar sa bansa.

Facebook Comments