Vote Counting Machine Demonstration, Nakatakdang Isagawa dito sa Lungsod ng Cauayan!

Cauayan City, Isabela – Nakatakdang isagawa ang Vote Counting Machine Demonstration bukas ganap na ala una ng hapon sa isang mall dito sa Lungsod ng Cauayan.

Isasabay rin ang Mock Election ng COMELEC bilang dry run para sa halalan sa Mayo a-trese na dadaluhan ng mga guro at ilang personalidad sa lungsod.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Ms. Crystal Gayle Agbulig, PR Manager ng SM Cauayan City sa naging panayam ng RMN Cauayan sa kanya.


Sa ngayon ay naghahanda na ang Comelec Cauayan City para sa nasabing aktibidad at kanilang inaasahan na maging maayos ang magiging resulta nito.

Samantala, pinapabaklas na ng Comelec ang mga nakasabit na tarpaulin ng ilang partylist at mga senador na kakandidato sa eleksyon.

Karamihan kasi sa mga tarpaulin o poster ay hindi sumusunod sa tamang sukat at hindi nakalagay sa common poster area.

Matatandaan na nagpaalala ang nasabing tanggapan na sa Biyernes ngayong linggo ay dapat matanggal na ang mga extra campaign materials.

Facebook Comments