Pinatitiyak naman ngayon ng pamunuan ng Commission on Elections (COMELEC) Dagupan na hindi maaantala ang pagdating ng mga vote counting machines sa lalawigan ng Pangasinan na siyang gagamitin para sa halalan 2022.
Nilinaw ni Atty Michael Franks Sarmiento, Election Officer ng COMELEC Dagupan kung saan ang mga naturang VCMs ay inaasahang darating bago ang araw ng May 6.
Ito na rin umano ay upang makapagsagawa ng testing sa mga VCMs bago ang mismong araw ng eleksyon.
Bago ito ipamahagi sa mga polling precinct ay una itong ilalagay sa mga dalawang warehouses sa lungsod ng Urdaneta at Dagupan.
Dahil naaman umano sa limitado ang kanilang mga personnels sa Dagupan City ay nagpapatuloy pa rin ang sorting sa Voters’ Information Sheet o VIS para sa 138,721 registered voters sa lungsod kung kaya’t hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ito napapamahagi. | ifmnews
Facebook Comments