Voter registration, dapat isagawa rin tuwing weekend para makabawi sa suspension nito habang umiiral ang ECQ

Iminungkahi ni Senator Sherwin “Win” Gatchalian sa Commission on Election (COMELEC) na buksan din ang voter registration tuwing Sabado at Linggo para mabawi ang dalawang linggo na suspensyon nito habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Diin ni Gatchalian, kailangang gawin ang lahat para makapagparehistro ang mga botante.

Paliwanag ni Gatchalian, mas mabuti sa demokrasya kung mas marami ang makaboboto.


Dumagdag naman si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa mga nananawagan na palawigin pa ang pagpaparehistro ng mga botante na ang deadline ay itinakda sa September 30.

Kaugnay nito ay hinikayat ni Drilon ang mga kwalipikadong bumoto na magparehistro dahil kritikal ang eleksyon sa susunod na taon.

Facebook Comments