
Ipagpapatuloy na muli ang voter registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) bukas, April 7.
Ito ay matapos suspendihin ang pagpaparehistro noong nakaraang linggo dahil sa Holy Week.
Ayon sa Commission on Elections (Comelec), sarado ang kanilang mga tanggapan mula Holy Wednesday hanggang Good Friday.
Samantala, balik na sa regular na transaksyon ang poll body simula bukas.
Sa pinakahuling datos ng Comelec, nasa 3,697,800 na ang mga nagpatala para sa BSKE, kung saan pinakamarami ang mula sa Calabarzon na may mahigit 600,000, sinundan ng Central Luzon na may mahigit 400,000, at National Capital Region na may mahigit 372,000 na aplikante.
Facebook Comments










