Kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) na limitado ang voter’s registration sa susunod na buwan.
Ayon kay COMELEC Spokesman Atty. Rex Laudiangco, ito ay dahil sa ilalim ng RA 8189, ipinagbabawal ang pagkakaroon ng pagpapatala sa loob ng 120 araw bago ang eleksyon
Dahil aniya sa magaganap na eleksyon ng Barangay at Sangguniang Kabataan sa December 5 ay bawal na ang proseso ng pagpapatala pagsapit ng August 7.
Sinabi ni Laudiangco na salig dito, mayroon lamang halos dalawang linggo para gawin ang mga kailangan pang proseso.
Kabilang dito ang paglalathala sa pangalan ng mga nagpaparehistro, pagtakda ng petsa sa pagdinig ng Election Registration Board, at ang pagsasailalim sa mga botante sa database verification at iba pa.
Magsisimula ang registration sa July 4 hanggang July 23.