Suspendido muna ang voter registration sa Metro Manila simula sa Biyernes, Agosto 6 hanggang Agosto 20.
Ito ay kasabay ng pagsasailalim sa National Capital Region (NCR) sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) bilang pag-iingat laban sa banta ng COVID-19 Delta variant.
Kaugnay nito, sinabi ni Commision on Elections Spokesperson James Jimenez sa interview ng RMN Manila na malabo namang ipagpaliban ang halalan sa susunod na taon dahil sa COVID-19.
Ayon kay Jimenez, depende pa rin ito sa sitwasyon at sa ngayon ay hindi pa nila nakikita na kailangang suspindehin ang 2022 elections.
Facebook Comments