Posibleng bumaba pa ang voter turnout sa 2022 national elections ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, bunsod ito ng pagbaba ng bilang ng mga nagpaparehistro dahil sa takot na mahawa ng COVID-19.
Noong nakaraang taon, umabot lang sa 70 porsyento ang voter turnout sa bansa na mas mataas sa Philippine standards.
Nanawagan naman ang Comelec sa mga alkalde ng lungsod at sa Inter-Agency Task Force (IATF) na unahing mabakunahan ang mga election personnel para makapagsagawa na ng satellite registration.
Facebook Comments