MANILA – Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na ang halalan ngayong taon ang pinakamalinis na halalan sa kasaysayan ng eleksyon sa bansa.Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, mas handa rin ang komisyon sa gaganaping halalan ngayong taon kumpara sa mga nakaraang halalan.Aniya 100 porsiyento nang handa ang Comelec ngayong araw at wala pa silang nakikitang problema sa mga oras na ito.Kasabay nito… Inaasahang aabot sa 75 hanggang 80 porsiyento ang voter turnout sa halalan.Ayon kay Jimenez, umaasa silang mas mataas ang voter turnouts ngayong 2016 national and local elections lalo pa’t mas pinaghandaan nila ito.Aabot lang sa 70 percent ang voter turnout noong 2013 election, mas mababa sa 75 porsiyento noong 2007 polls at 76 porsiyento sa nakaraang 2010 presidential election.Samantala, nakahanda na para sa deployment ang 15 foreign observers na susubaybay sa mangyayaring halalan sa ating bansa.Nagmula ang mga ito sa U-S, Germany, Sweden at Japan kung saan tatagal sila sa bansa hanggang matapos ang eleksiyon.
Voter Turnout Sa Halalan, Inaasahang Aabot Sa 70 Hanggang 80 Porsyento
Facebook Comments