Voters’ registration hours, pinalawig ng COMELEC

Mas mahaba na ang oras ang ibinigay ng Commission on Elections (COMELEC) para sa mga nais humabol na magparehistro para sa May 2022 elections.

Ayon sa COMELEC, ang lahat ng Offices of the Election Officer sa buong bansa ay bukas para tumanggap ng applications para sa voters’ registration mula Martes hanggang Sabado, kabilang ang holidays mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Pinalawig ng poll body ang registration hours para mapataas ang turn out.


Una nang sinabi ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na malayo pa sila sa target na 4 million new registrants.

Sa huling datos ng COMELEC, aabot pa lamang sa 1,117,528 applicants mula nitong January 14, 2021.

Magtatagal ang voters’ registration hanggang September 30, 2021.

Facebook Comments