VOTER’S REGISTRATION, PANSAMANTALANG SUSPINDIDO!

29

Baguio, Philippines – Dahil pa din sa banta ng Covid-19 sa bansa, Ang Commission on Election o COMELEC Cordillera ay pansamantalang sinuspindi ang off-site at satellite registration sa iba’t ibang barangay at opisina sa lungsod, tulad ng mga naka-akdang off-site voter’s registration sa Baguio City High School, Philhealth at Dona Nicasia Elementary School sa Aurora Hill.

Ang nasabing suspensyon ay hanggang Marso 31 kasunod naman ng direktiba na ibinigay ng COMELEC Central Office sa lahat ng lokal na COMELEC Offices na suspindihin muna ang lahat ng Voter’s Registration activities sa bansa.


Ngunit kahit pansamantalang suspendido ang Voter’s Registration, para sa iba pang Serbisyo ng COMELEC ay magpapatuloy padin ang pag-isyu ng voter’s certification and documentation sa kanilang opisina.

iDOL huwag muna tayong pumunta sa mga matataong lugar kung hindi kailangan.

Facebook Comments