Nanay, arestado matapos ihagis ang anak mula balkonahe ng ika-4 palapag ng apartment

MINNESOTA, USA – Inaresto ang 33-anyos nanay matapos nitong ihagis ang kanyang 11-anyos anak mula balkonahe ng ikaapat na palapag ng kanilang tinutuluyang apartment.

Ayon sa Saint Paul Police, Lunes ng umaga nang mangyari ang krimen matapos matagpuan ang bata sa St. Anthony Park.

Naireport na ginising ng ginang ang anak habang natutulog bago ito ihagis mula balkonahe.


Nagtamo ng traumatic injuries ang biktima gaya ng bali sa panga at binti ayon sa ulat ng pulisya.

Agad naman itong naisugod sa ospital at inaasahang makakarekober din kalaunan.

Samantala, hindi pa rin malinaw kung ano ang motibo ng ina.

Hinuli ito noong Lunes sa reklamong aggravated assault at malicious punishment of a child.

Naiulat namang nasa bahay din noon ang 6-anyos na kapatid ng biktima nang mangyari ang insidente na sinasabing hindi naman nagtamo ng kanit anong pinsala.

Facebook Comments