Manila, Philippines – Hindi na magkakaroon pa ng pagpapalawig sa voters’ registration para sa SK at Barangay elections sa Oktubre.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, hanggang sa Sabado na lamang, April 29 maaring magparehistro.
Aniya, nagbigay na sila ng sapat na oras para sa mga nais magparehistro.
Paalala naman ng pinuno ng COMELEC, kahit na holiday ngayong araw at bukas ay bukas ang tanggapan ng COMELEC mula alas otso nang umaga hanggang alas 5:00 nang hapon.
Sa ngayon, mayroon ng 2.2 milyong bagong nagparehistro kung saan 700,000 dito ay mga edad 15 hanggang 17.
Facebook Comments