Brunei President Sultan Hassanal Bolkiah, personal na sinalubong sa Malacañang ni Pangulong Rodrigo Duterte

Manila, Philippines – Personal na sinalubong sa Malacañang ni Pangulong Rodrigo Duterte si Brunei President Sultan Hassanal Bolkiah para sa kanyang state visit sa bansa.

Ayon kay Pangulong Duterte – mahalaga sa kanya ang nasabing pagbisita ni Bolkiah dahil siya ang kauna-unahang ASEAN leader na gumawa ng state visit sa Pilipinas sa ilalim ng bagong administrasyon.

Aniya, hudyat ito ng magandang bilateral relation sa pagitan ng dalawang bansa.


Bago dumiretso sa Malacañang, nag-alay muna ng bulaklak sa monumento ni Gat. Jose Rizal sa Luneta ang nasabing pinuno ng Brunei.

Naghanda rin ng isang state dinner ang Malacañang para kay Bolkiah na dadaluhan ng kanyang buong delegasyon at mga opisyal ng pamahalaan ng Pilipinas.

Facebook Comments