Posibleng ituloy ng Commission on Elections (COMELEC) ang Voters Registration para sa 2022 Elections sa Enero ng susunod na taon.
Ito’y kasunod ng suspensyon ng May 2020 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11462 o Pag-urong nito sa unang Lunes ng December 2022
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, nakatuon ang lahat ng kanilang Kilos sa paghahanda sa susunod na halalan.
Kumpiyansa si Jimenez na mas marami ang magpaparehistro kumpara sa nagdaang Registration Period.
Sa datos ng Poll Body mula August 1 hanggang Sept. 30, ang mga applications mula sa regular registrants o 18-anyos pataas ay umabot na sa higit 3 Milyon.
Facebook Comments