Voters’ registration sa Israel, isinasabay na ng Embahada sa iba pang labor services

Para matiyak na mas maraming Pilipino ang makalalahok sa overseas voting sa susunod na taon, isinabay na ng Philippine Embassy sa Israel sa outreach activities nito ang pagpaparehistro sa mga Pinoy doon.

Sa munisipalidad ng Rehovot at Ness Ziona, 300 mga Pinoy ang lumahok sa mobile voters’ registration kasabay ng labor services.

Partikular na ginawa ang outreach program sa St. Therese of the Child Jesus parish sa tulong ng Filipino parishioners sa nasabing simbahan


Mismong ang Pinoy parishioners din ang nagbibigay ng listahan ng kanilang community service para makapagpatala kasabay ng pag-iisyu ng kanilang mga pasaporte.

Ang voters’ registration ay magtatapos sa September 30,2021.

Facebook Comments