Voters registration, tuloy sa tatlong holidays sa buwan ng Agosto

Hinihimok ng Commission on Elections o Comelec ang publiko na samantalahin ang pagkakataon na makapagpa-rehistro sa tatlong holidays ngayong buwan ng Agosto.

 

Ayon kay Comelec Director Frances Arabe, bukas ang Comelec offices sa buong bansa sa August 12, 2019 na isang regular holiday dahil sa Eid al-Adha; August 21, 2019 na isang special non-working holiday dahil sa Ninoy Aquino Day at sa August 26, 2019 na isang regular holiday dahil sa National Heroes Day.

 

Sinabi ni Arabe na maaaring samantalahin ng mga estudyante at empleyado ang tatlong holidays ngayong buwan para makapagpatala. Nitong August 1, 2019 nagsimula ang voter registration at tatagal ito hanggang September 30, 2019.


 

Maaring magpa-rehistro mula Lunes hanggang Sabado at sa holidays, maliban na lamang sa araw ng Linggo,

Facebook Comments