Voter’s reminders para sa first timer

Ilang araw na lang at eleksyon na. Ang pagboto ay isang karapatan na ibinibigay sa malayang mamamayan. Ang pagboto ay katumbas na rin ng obligasyong turuan ang bawat botante sa tamang pagpili ng iluluklok sa ating pamahalaan.

Para sa mga bagong botante o first timers, narito ang mga paalaala sa wastong pagboto mula sa Commission on Elections resolution number 10008:

1. Pumunta ng maaga sa polling precinct. Ang botohan ngayong Mayo 13 ay mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.
2. Siguraduhin tama ang polling precinct na pinuntahan.
3. Maaaring magdala ng listahan ng mga kandidatong iboboto pero hindi pwedeng magdala ng anumang campaign materials.
4. Libre ang magtanong kaya magtanong sa assistance desk kung may problemang nakita sa pagboto.
5. Kapag natanggap na ang balota, siguraduhing bago ito at walang anumang sulat.            6. Sa pagse-shade ng balota, pumili ng hindi lalagpas sa 12 para sa Senador at isa para sa Party-list. Kapag sumobra rito, magiging OVERVOTE ito at hindi na isasama sa bilangan.


Lagi ring alalahanin na isang araw lang ang eleksyon, ngunit ang resulta nito ay matagalan at magpapabago sa ating buhay at bansa kaya:

  • Iboto lang ang sa tingin ay siyang makatutulong sa ating bansa.
  • Hindi porke naging maganda ang record ng kamag-anak ay ganoon din sa tumatakbong
    kandidato.
  • Hindi lahat ng kandidatong nangangakong sosolusyunan ang kahirapan ay nagsasabi ng totoo.
  • Ang Senado at Kongreso ang gumagawa ng batas habang ang mga konsehal ay mga ordinansa at resolusyon. Kapag may gustong magkonsehal ang nagsabing gagawa siya batas, nagpapakita lang ito na hindi siya intellectually prepared at walang alam sa posisyong gusto niyang makamtam.
Facebook Comments