
Sa ikalawang pagkakataon ay hindi muling dadalo si Vice President Sara Duterte sa State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa July 28.
Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, nakasaad ito sa liham mula sa Office of the Vice President (OVP) na tugon sa ipinadala nilang pormal na imbitasyon para sa SONA.
Sabi ni Velasco, walang rason na ibinigay ang OVP kung bakit hindi dadalo si VP Sara sa ikaapat na SONA ni PBBM.
Sa kabila nito ay tiniyak ni Velasco na maglalaan pa rin ang Kamara ng upuan at holding area para kay VP Sara at sa kaniyang staff sakaling magbago ang kaniyang isip.
Facebook Comments









