Sen. Imee Marcos, may bwelta sa mga kritiko ng maintenance ng San Juanico Bridge

“Sana ako na lang ang nag-presidente.”

Ito ang pahayag ni Senator Imee Marcos matapos siyang batikusin ng tagapagsalita ng Kamara na si Atty. Princess Abante na hindi niya pinondohan ang rehabilitasyon ng San Juanico Bridge.

Ayon kay Sen. Marcos, bakit siya na senador ang hinahanapan ng aksyon tungkol dito at hindi tanungin ang kanyang amo na doon nakatira.

Puna ng senadora, matapos ang ginawang pagbusisi sa kondisyon ng San Juanico Bridge ay ‘dedma’ lang dito ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at si House Speaker Martin Romualdez na kinatawan ng Leyte sa Kamara na nakakasakop sa tulay.

Lahat aniya ng mata ng mga kongresista ay nakatingin sa kanya kaya nasabi tuloy ng senadora na sana siya na lang ang nag-presidente.

Katunayan, mula 2018 hanggang 2025 ay mayroong ₱451.4 milyon na alokasyon para sa rehabilitasyon ng tulay at siya pa mismo ang nagtanong kung saan nilaan ang ₱4.7 billion para sa iba’t ibang proyekto ng Maharlika Highway.

Facebook Comments