VP Leni: Ang tunay na pagkakaisa ay nagmumula sa taumbayan

Ayon kay presidential candidate Vice President Leni Robredo, ang tunay na pagkakaisa ay nakikita sa patuloy na pagdami ng mga dumadalo sa mga people’s rally na inihahanda ng mga tao para sa pagbisita ng kandidato sa pagka-pangulo sa iba’t ibang probinsya.

Ang mga tao sa Isabela at Cagayan na parte ng tinatawag na Solid North ay nagpakita ng kanilang bilang at lakas nang magpunta doon si Robredo nitong nakaraang weekend.
Higit sa 10,000 katao ang dumalo sa kanyang people’s rally sa Echague, Isabela.

Para kay Robredo, ang Solid North ay dapat para sa sinumang kandidato pero solid para sa tunay na pagbabago, tulad ng mga Pilipino sa ibang rehiyon, bagay na nakikita sa patuloy na pagdagsa sa kanyang mga rally kahit sa saan mang panig ng bansa.


Nagtala ng pinakamalaking pagdalo ang people’s rally sa Bacolod kung saan higit sa 86,000, ayon sa huling bilang ng dumalo,ito ay lampas pa sa dami ng dumalo sa ibang mga rally sa Naga, Iloilo, at Cavite.

“Lakasan pa natin ang ating mga tinig para dumami pa ang makakita na puwede palang ganito magkampanya. Puwede pala ang ganitong klaseng gobyerno: Tapat, taumbayan ang bida, tunay na nagkakaisa,” sabi ni Robredo sa kanyang mensahe sa Bacolod.

Sa bawat rally, dala ni Robredo ang mensahe na dapat tignan ang track record ng mga kandidato, maging mapanuri sa pagkalat ng fake news at ang pangangailangan na baguhin ang lumang klase ng politika, mga bagay na tumatatak sa mga nakakadinig.

Facebook Comments