Lacson-Sotto Tandem, patuloy na mag-iikot sa Cauayan City, Isabela

Magpapatuloy naman ang Lacson-Sotto tandem sa kanilang pag-iikot dito sa Cauayan City, Lalawigan ng Isabela kung saan dadalo sina presidential aspirant at Senator Panfilo Lacson at vice presidential aspirant at Senator Vicente “Tito” Sotto III sa Flag ceremony sa Cauayan City hall.

Ayon kina Lacson-Sotto tandem na pasado alas 9:00 ng umaga ngayon ay haharap naman sila Lacson at Sotto sa mga barangay officials, Sangguniang Kabataan (SK), mga kababaihan, Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender Community (LGBTQ) sa FLDy Coliseum sa Cauayan City.

Paliwanag nina Lacson at Sotto, nais nilang ipabatid sa mga mamamayan ng Isabela ang kahalagahan na malaman nila ang kanilang mga programa at plataporma de gobyerno upang sila mismo ang kikilatis kung karapat dapat ba silang manungkulan bilang pangulo at pangalawang pangulo ng bansa.


Dagdag pa nina Lacso-Sotto tandem, hindi sila magti-TikTok o sasayaw sa mga entablado para malaman ma-entertain ang mga tao kundi ipaliwanag nila sa taong bayan kung ano ang kanilang magagawa sakaling papalarin na manalo sa eleksyon.

Bandang alas 2:30 ng hapon naman, mamaya magkakaroon naman ng Sectoral Meeting sina Lacson-Sotto tandem sa mga Local Government Unit (LGU) officials sa Cabatuan Auditorium sa Cabatuan City Lalawigan ng Isabela upang lubos nilang mauunawan kung ano-anong mga programa at plataporma ang kanilang ilalatag at kung gaano kahalaga rin ang kanilang mga boto para sa kinabukasan ng kanilang mga anak at apo.

Facebook Comments