Hindi itinuturing ng Palasyo na pagmamalinis ang naging pahayag ni Vice President Leni Robredo kahapon kung saan sinabi nito na hindi siya bahagi ng anumang panawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na bumaba sa pwesto.
Matatandaan na ilang mga grupo ang nagsusulong ng pagpapababa kay Pangulong Duterte sa pwesto kasabay ng selebrasyon ng EDSA People Power sa ika-25 ng Pebrero.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, maaaring nagsasabi ng totoo ang Bise Presidente at dapat lamang na bigyan ito ng benefit of the doubt.
Para naman sa mga magsasagawa ng pagkilos para sa pagpapababa sa Pangulo sa pwesto, nagpaabot ng good luck wish ang Kalihim.
Muling sinabi nito na wishful thinking lamang ang plano ng mga ito at hindi naman ito magtatagumpay.