Nais ni Vice President Leni Robredo na ituwid ang mga mali sa war on drugs.
Ito ang dahilan ng pagtanggap niya sa posisyon bilang Co-Chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Giit ni Robredo, dapat mahinto ang pagpatay sa mga inosente at panagutin ang mga abusadong opisyal gaya ng ninja cops.
Dapat aniyang habulin ang mga drug lord at hindi lang ang mga tulak o pusher.
Batid aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte kung anong direksyon ang nais tahakin ng kampanya kontra droga.
Hindi rin isyu sa kanya ang kawalan ng karanasan sa Law Enforcement.
Dagdag pa niya, hindi rin alintana kahit pulitika ang dahilan ng pagtalaga sa kanya.
Hangad ni Robredo na magkaroon ng pagtutulungan para maresolba ang problema sa droga.
Facebook Comments