VP Leni, makikipagpulong sa mga lider ng simbahang Katolika

Makikipagpulong si Vice President Leni Robredo sa mga lider ng simbahang Katolika maging sa mga opisyal ng mga Foreign Embassy.

Ito’y bilang bahagi ng kanyang recalibration sa war on drugs.

Sa programang Biserbisyong Leni sa DZXL RMN Manila, sinabi ni Robredo na magkakaroon siya ng pulong sa mga opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) para sa posibleng adaptation ng Ugnayan ng Barangay sa Simbahan (UBAS), ang Anti-Drug Campaign na sinimulan ng kanyang yumaong asawa na si dating DILG Sec. Jesse Robredo.


Makikipagpulong din siya sa mga opisyals ng Embahada ng Japan, Australia, at Thailand.

Mayroon ding nakatakdang meeting si Robredo sa iba pang ICAD-Member Agencies, tulad ng DOH, DILG, Dangerous Drugs Board at Multi-Sectoral Group.

Facebook Comments