VP Leni, muling pinatunayan ang kahandaan na maging susunod na pangulo ng Pilipinas

Muling ipinamalas ni presidential candidate Vice President Leni Robredo ang lawak ng kaniyang karunungan at lalim ng kaunawaan sa mahahalagang issue sa Pilipinas, sa ginanap na Pilipinas Debate noong Linggo, ika-3 ng Abril.

Ang debate na dinaluhan nina Robredo at walo pang kandidato sa pagkapangulo ay inorganisa ng Commission on Elections o COMELEC.

Absent na naman ang anak ng diktador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


Sa debate, buong tapang na sinagot ni Robredo ang mga katanungan tungkol sa mga pinakamabibigat na isyu sa bansa.

Nangako siya na kapag siya ang nahalal na pangulo, agad niyang ipapasapubliko sa mga kawani ng gobyerno ang lahat ng dokumentong may kinalaman sa paggamit ng pondo ng kanilang mga ahensya.

Magpapasa rin siya ng batas para pagbawalan ang pagiging balimbing ng mga politiko.

Ito ay para masigurong prinsipyo pa rin ang iiral sa pagsapi ng bawat kandidato sa mga partido at hindi lang para sa kanilang ikakapanalo sa eleksyon.

Sa isyu ng pagbabago bago ng klima, naniniwala si Robredo na dapat nang maglabas ng malinaw na plano ang gobyerno para lumipat sa paggamit ng enerhiya na hindi makakasira sa kalikasan.

Sinabi rin ni Robredo na oras na para palakasin ang proteksyon sa Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang pamilyang maiiwan sa Pilipinas.

Dagdag niya, ang proteksyon na ito ay kailangang maibigay rin maging sa mga hindi rehistradong OFWs.

Sa huli, isang ilaw ng tahanan na kagaya ni Robredo ang magiging tanglaw ng isang tunay na nagkakaisang bayan para sa magandang bukas.

Facebook Comments