Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa pamahalaan na bigyan ng boses ang mga Maranao pagdating sa ginagawang rehabilitasyon sa Marawi City.
Ginawa niya ang panawagan kasabay ng paggunita sa ika-apat na taong anibersaryo ng Marawi liberation nitong linggo.
Partikular na tinukoy ni Robredo ang Marawi Compensation Bill na layong mabigyan ng kompensasyon ang mga residenteng nawalan ng tirahan at kabuhayan dahil sa giyera sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng teroristang Maute group noong 2017.
Sa kaniya ring pagbisita sa Marawi, personal na naghatid ng tulong sa mga Maranao si Robredo gaya ng pagbibigay ng kagamitan sa Dayawan Handicraft Loom Weaving Producers Cooperative –– na isa sa mga matagal nang benepisyaryo ng “Angat Buhay” program.
Matatandaang pinangunahan din ng opisina ni VP Leni ang pagtatayo ng Angat Buhay village para sa mga bakwit na nawalan ng tirahan sa lungsod.