Nanawagan si presidential candidate Vice President Leni Robredo na isantabi muna ng lahat ng mga hindi pagkakaunawan at sa halip ay magkapit-bisig ang lahat para matulungan ang libo-libong kapwa natin na nasalanta ng super typhoon Odette.
Ilang araw na nag-iikot si VP Leni sa mga probinsyang hinagupit ng Odette tulad ng Siargao, Dinagat Islands, Surigao City, Surigao del Norte, Bohol, Cebu City, Iloilo at Negros Island.
Nakatakda rin siyang pumunta sa Palawan.
Inaalam niya mismo mula sa mga nasalanta ang naging karanasan nila at ano ang kanilang mga pangangailangan.
Kasama sa relief packs na dala ni VP Leni para sa kanila ay bigas, tubig, delata, at biskwit.
Tiniyak din ni VP Leni sa mga lokal na opisyal ng bawat probinsyang nasalanta na tutulong ang kanyang opisina sa kanilang rehabilitation efforts.
Sinasabing ang super typhoon Odette ang isa sa mga pinakamalakas na bagyo ngayong 2021.