Nanindigan si Vice President Leni Robredo na walang dapat ikatakot kung wala namang kasalanan.
Ayon kay Robredo, ilalabas niya ang ulat tungkol sa mga natuklasan niya sa giyera kontra droga sa Lunes, Dec. 16.
Aniya, masyadong eksaherado kung tatawaging “pasabog” ang mga isisiwalat niya na pawamg mga rekomendasyon lamang.
Siniguro rin ni Robredo na walang sensitibong impormasyon sa ilalabas niyang report.
Nanawagan din si Robredo na paigitingin ang Community-Base Rehabilitation para sa mga drug users.
Matatandaang 18-araw na naupo si Robredo bilang Co-Chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.
Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Robredo sa pwesto dahil hindi niya nagustuhan ang paghingi ng listahan ng High Value Targets sa War on Drugs.