Manila, Philippines – Nabigo si dating Inter-agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD) Co-Chair Leni Robredo na pulungin at i-coordinate ang lahat ng clusters na nasa ilalim ng kanyang komite.
Ito ang sinabi ngayon ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Aaron Aquino sa press briefing sa Malakanyang na isa sa mga naging pagkukulang ni Robredo noong itinalaga ito ni Pangulong Duterte bilang anti-drug czar.
Ayon kay Aquino, dapat pinulong muna nito ang enforcement, justice, advocacy and rehabilitation at reintegration clusters na nasa ilalim ng ICAD bago inatupag ang pakikipag-usap ng bise presidente sa European Union at Human Rights Commission na pawang kritiko ni Pangulong Duterte.
Kasunod nito sinabi ni Aquino na mahirap i-assess o i-evaluate ang naging performance ni VP Leni sa ICAD dahil masyadong maiksi ang dalawang linggo para ito ay husgahan.