VP Leni, nilinaw na hindi niya ipinatitigil ang war on drugs

Nilinaw ni Vice President Leni Robredo na hindi niya ipinahihinto ang giyera kontra droga.

Ito’y matapos lumabas sa Wire News Agency na Reuters na sinabi ng Bise Presidente na dapat nang itigil ang palpak na Anti-Illegal Drug Campaign.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na nasupresa siya sa headlines na inilabas ng Reuters dahil hindi ito tama.


Hindi ito ang nais niyang ipunto sa kanyang interview sa Reuters.

Aniya, gusto niyang magkaroon ng Re-Assessment sa ipinatutupad na drug war.

Binigyang-diin ni Robredo ang patuloy na pagtaas ng mga drug addict sa kabila ng war on drugs at ang maraming bilang ng namamatay na karamihan ay mahihirap.

Giit niya, hindi dapat maging maramdamin ang gobyerno sa mga kritiko ng kampanya kontra droga lalo na at nakasalalay dito ang reputasyon ng bansa at buhay ng mga Pilipino.

Una nang sinabi ng Dangerous Drugs Board (DDB) na ‘nalihis’ lamang si Robredo sa kanyang pagkakaunawa tungkol sa drug war habang iginiit naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na walang basehan ang mga pahayag ng Bise Presidente.

 

Facebook Comments