VP Leni, pinagbigyan ng PET sa hinihinging extension para mabayaran ang P7M na counter-protest fee

Manila, Philippines – Pinalawig ng Presidential Electoral Tribunal o PET ang deadline para mabayaran ni Vice President Leni Robredo ang nalalabi pang P7.4 milyon na bayarin para sa kaniyang counter-protest laban kay dating Senador Bongbong Marcos.

Gayunman, sinabi ni Atty. Romulo Macalintal, abogado ni Robredo, walang ibinigay na eksaktong petsa ang PET kung hanggang kailan ang ekstensiyon.

July 14 ang unang itinakdang deadline ng PET para mabayaran ang kanyang counter protest fee.


Sinabi pa ni Macalintal na hihilingin nila sa PET na payagan sila na palawigin ang ektensiyon hanggang sa matapos ang recount sa unang tatlong mga probinsiya na nais ni Marcos na unang mabilang.

Ang mga lalawigan na nais ng kampo ni Marcos na dapat magkaroon ng unang bugso ng recount ay ang Lanao del Sur, Basilan at Maguindanao.

Kapag ang resulta, ayon kay Macalintal sa mga nabanggit na lalawigan ay paborable kay Marcos ay saka sila magbabayad ng kabuuang halaga, pero kung hindi naman ay di na rin sila magbabayad sa dahilang ibabasura lamang ang protesta.

Sinabi ni Atty Bernadette Sardillo abugado ni VP Leni maghahain sila ngayong linggo ng mosyon sa PET para sa hirit nilang extension.

tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments