VP Leni, pinalilinaw kay PRRD ang kanyang mandato bilang Anti-Drug Czar Leni Robrdo

Pinalilinaw ni Vice President Leni Robredo kay Pangulong Rodrigo Duterte kung hanggang saan ang sakop ng kanyang trabaho bilang Co-Chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.

Ito’y matapos sabihin ng Pangulo na wala siyang tiwala sa Bise Presidente at hindi niya ito bibigyan ng Cabinet Position.

Ayon kay Robredo, walang problema sa kanyan kung hindi Cabinet Rank ang kanyang position, pero aminado siyang magiging mahirap ang trabaho kung walang tiwala sa kanya.


Tumanggi rin muna siya kay PDEA Director General Aaron Aquino na makita ang ilang Classified Information.

Hindi naman isinantabi ni Robredo ang pagbibitiw kung ayaw na sa kanya ng Pangulo.

Umapela si VP Robredo kay Pangulong Duterte na huwag maniwala sa fake news at hindi totoong nakipag-usap siya sa US Prosecutor on Human Rights Commission upang mangialam sa problema ng droga sa bansa.

Facebook Comments