VP Leni Robredo at Sen. Antonio Trillanes IV, hinamon na ihayag ang alyansa sa Makabayan Bloc

Hinamon ng tagapagsalita ni presidential candidate Senator Ping Lacson at dating Antipolo Congressman Romeo Acop sina senatorial candidate Antonio Trillanes IV at presidential candidate Vice President Leni Robredo na hayagang sabihin sa publiko kung may alyansa sila ng Makabayan Bloc.

Ayon kay Acop, wala na raw ginawa ang mga ‘Kakampink’ kundi ang paratangan si lacson ng red-tagging pero hindi naman masabi ng mga ito kung may direkta silang alyansa sa makabayan bloc na front organization daw ng cpp-npa ayon na rin sa CPP-NPA founder na si Jose Maria Sison.

Paliwanag ni Acop, hindi niya lubos maisip kung saan pupulutin ang gobyerno na mayroon nang sariling sandatahang lakas na pumoprotekta sa estado ay makikipag mabutihan sa grupong gustong maghari-harian sa pamahalaan.


Nakalulungkot din aniya na si Ping Lacson na seryosong naglalatag ng mga plataporma at programa ang binabato ng mga kung anu-anong paninira.

Ilan sa mga inaakusa kay Lacson ay ang:

1. Pagkaantala ng pensiyon ng militar at uniformed personnel.

2. Promotor ng pagbabawal sa mga pulis na magdala ng baril kapag hindi na naka duty.

3. At naghihintay na lamang daw na bayaran ng P500 million para umatras na sa kandidatura bilang pangulo at manahimik na lamang.

Ang mga ito aniya ay pawang kasinungalingan at ginagamit lamang ng mga kalaban ni Lacson sa pulitika upang takpan ang mga katangian niya bilang lider na pang giyera sa gitna ng mga kinakaharap ng bansa.

Facebook Comments