Isabela, Zero Case sa COVID-19 ngayong araw

Cauayan City, Isabela- Wala ng naitala na panibagong kaso ng COVID-19 ang Lalawigan ng Isabela ngayong araw, Marso 13, 2022.

Batay sa pinakahuling datos ng Integrated Provincial Health Office, walang naiulat ang iba’t-ibang bayan at siyudad na nagpositibo sa COVID-19 ngayong araw kaya napanatili ang dating 45 na active cases.

Ang 45 na natitirang COVID-19 active cases sa Isabela ay kasalukuyan nang nagpapagaling.

Sa kabila nito, pinapayuhan pa rin ang lahat na mag-ingat at sundin pa rin ang mga umiiral na panuntunan para sa ating kaligtasan.

Facebook Comments