Tiniyak ng kampo ni Vice President Leni Robredo na hindi niya aalisin ang oplan tokhang.
Ito ang ginawang paglilinaw ni Atty. Barry gutierrez, tagapagsalita ni Robredo sa isang press conference sa Maynila.
Ayon kay Gutierrez, ang mahalaga ay mabago ang konsepsyon ng taongbayan sa oplan tokhang na bahagi ng anti drug campaign ng pamahalaan.
Pero sa tokhang na nais ng bise presidente aniya ay walang mamatay at walang sibilyan na madadamay
Aminado naman ang kampo ni Robredo na may mga pagkakataong hindi maiiwasan na may mamatay kung manlalaban ang suspek at malagay naman sa panganib ang buhay ng pulis o sibilyan.
Idinagdag pa ni Gutierrez na walang balak ang bise presidente na palitan ang terminong tokhang.
Facebook Comments