VP Leni Robredo, ilulunsad ang Angat Buhay bilang NGO sa Hulyo

Inihayag ni Vice President Leni Robredo na simula sa Hulyo 1, ang Angat Buhay program ng Office of the Vice President (OVP) ay gagawing ng non-government organization (NGO).

Sa kaniyang thanksgiving speech, sinabi ni Robredo na ang programa ng OVP ay gagamitin bilang template bilang inisyatiba sa kabila ng limitadong pondo.

Aniya, wala silang pipiliin na tutulungan at wala ring tatalikuran.


Ipapakita aniya nila ang buong pwersa ng radikal na pagmamahal.

Hinimok din ni Robredo ang kaniyang mga tagasuporta at mga boluntaryo na makiisa sa kanyang angat buhay program.

Ang programang Angat Buhay ay ang track record ni Robredo sa serbisyo publiko na ipinatupad para magbigay ng tulong sa kapwa Pilipino sa kanyang anim na taong panunungkulan bilang bise presidente.

Facebook Comments