Naudlot ang pagtatalaga ng malakanyang kay Vice President Leni Robredo bilang miyembro ng gabinete.
Ayon kay Presidential Spokesman Atty Salvador Panelo bibigyan din sana ng pwesto sa gabinete ang pangalawang pangulo kasunod nang pagtatalaga dito ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang co chairman ng Inter Agency Committee on Anti Illegal Drugs.
Pero nagkamali aniya si VP Robredo sa ilan nitong hakbang na nagsilbing red signs kay Pangulong Duterte.
Una dito ay nang kausapin ni VP Robredo ang ilang organisasyon sa labas ng bansa at paghingi nito ng payo sa mga indibidwal na itinuturing na enemies of the state at una nang humusga sa war on drugs campaign ng gobyerno.
Pangalawa ay ang demand ni VP Leni na magkaroon ng unlimited access sa mga classified information hinggil sa war on drugs campaign.
Para kay Pangulong Duterte, napaka delikado na mahawakan ni VP Robredo ang ganitong uri ng mga sensitibong dokumento lalo pa’t baka masira lamang ang diskarte ng pamahalaan.