Nagbigay ng sariling State of the Nation Address (SONA) si Vice President Leni Robredo isang araw matapos ang huling SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinagmalaki ni VP Leni ang kaniyang sariling COVID pandemic response sa nakalipas na apat na taon.
Pinasalamatan niya ang mga tumugon sa kaniyang programa partikular ang mga sumuportang health frontliners, mga doktor at mga donor.
Nagpasaring pa ang bise presidente sa ilang nagnanais na kumandidato sa 2022 na maagang namumulitika.
Aniya, sa halip na mga billboard ay mas mainam na magkabit ng mga tarpaulin o billboard na may mensahe na hinihimok ang mga Pilipinong magpabakuna.
Sa ngayon aniya ay walang dapat tutukan kundi ang laban sa pandemya.
Dapat ay magbigay ng pautang sa mga nawalan ng trabaho upang makapagpasimula ng maliit na kabuhayan.
Dapat din aniyang magbigay ng re-training ang gobyerno upang makasabay ang lahat sa nagbabagong anyo ng industriya sa bansa.
Gayundin ang paglaan ng higit pang pondo para palakasin ang edukasyon.
Nais din ng bise presidente na mas maging mapang-unawa ang gobyerno sa halip na tawaging pasaway ang publiko.
Dapat ay mapang-unawa ang gobyerno sa halip na tawaging pasaway.
Dagdag ni Robredo, huwag magpahulog ang taumbayan sa mga hatian na sa totoo lang ay inimbento lang naman ng iilan upang pabagalin ang pagkamit sa mga pangarap ng bansa.