Iginiit ni Vice President Leni Robredo ang kahalagahan ng pag-gunita sa deklarasyon ng martial law noong 1972 ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Robredo na maraming nagsisikap ngayon na baluktutin at burahin ang kasaysayan ukol sa mga nangyari sa ilalim ng batas militar.
Ayon kay Robredo, hindi dapat makalimutan ang dinanas ng bansa kagaya ng mga pag-torture at pagpaslang sa mga Pilipino.
Sa huli, nanawagan ang Pangalawang Pangulo na matuto na mula sa nakaraan upang maitawid ang sarili sa mga kasalukuyang hamon na hinaharap ng bansa.
Facebook Comments