VP Leni Robredo, nagpasalamat sa mga nagbigay ng regalo sa kaniya noong campaign rallies

Nagpasalamat si Vice President Leni Robredo sa lahat ng kaniyang mga taga-suporta na nagbigay ng regalo sa kaniya sa mga campaign rallies.

Sa kaniyang Facebook live kahapon, ipinakita ni Robredo ang mga natanggap na regalo kung saan balak niyang ibenta ang ilan sa mga ito para makalikom ng pondo sa mga proyekto.

Magsasagawa naman mamayang hapon ng pagtitipon sina Robredo bilang pasasalamat sa mga sumuporta sa nagdaang kampanya.


Idaraos ito sa Ateneo de Manila University at hindi na sa quezon memorial circle upang maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko na maaaring magdulot din ng mga pasaherong stranded sa pag-uwi.

Samantala, sinabi ng kampo ni Robredo na nakahanda na sila sa transition para sa susunod na pangalawang pangulo.

Facebook Comments