VP Leni Robredo, nakikiisa sa Muslim community sa gitna ng limitadong selebrasyon ng Eid Al-Adha

Nagpaabot ng pagbati si Vice President Leni Robredo sa Muslim community na nagdiriwang ngayon ng Eid Al-Adha.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Robredo na sa kabila ng limitadong pagkilos dulot ng COVID-19, nawa’y maging mapamaraan ang komunidad ng Filpino Muslim para gawin itong makabuluhan kahit hindi na magawa ang tradisyunal na pagtitipon-tipon.

Ito aniya ay maliit lang na sakripisyo alang-alang sa kaligtasan ng lahat.


Aniya, ang espiritu ng Filipino ay matibay at hindi kayang tibagin ng pandemya ang pagkakaisa at pagbibigkis ng pamilya sa gitna ng krisis.

Ang ganito aniyang pagsasakripisyo ay nakasalig sa pagpapakumbaba, pagka-masunurin at mahigpit na pananampalataya ni Ibrahim.

Nakikiisa ang Bise Presidente sa kanilang pagsasakripisyo at umaasang malalampasan ang kasalukuyang krisis pangkalusugan.

Facebook Comments