Mandaluyong City, may bagong 31 kaso ng COVID-19 ngayong araw

30

Pumalo na sa 1,566 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Mandaluyong, ngayong araw.


Ito’y matapos madagdagan ng 31 na bagong kaso ng COVID-19.

Nananatili naman sa 82 ang bilang ng mga nasawi na dulot ng virus.

Habang mataas pa rin ang bilang ng recoveries na umabot na sa 882 matapos madagdagan ng 12.

Nasa 602 na ang kabuuang bilang ng active cases sa lungsod.

Habang mayroon 1,155 na suspected cases at 268 probable cases ang Mandaluyong City.

Facebook Comments