VP Leni Robredo, naniniwalang isa lamang ang dapat maging standard bearer ng Oposisyon

Naniniwala si Vice President Leni Robredo na dapat ay isang standard-bearer lamang ang dalhin ng oposisyon para tumaas ang tiyansang manalo sa ieendorsong kandidato ni Pangulong Rodrigo Duterte sa May 2022 election.

Sa kaniyang pagharap sa Cambridge University Filipino Society, sinabi ni Robredo na alam niya na ang pinakamatinding kalaban ng oposiyon sa 2022 election ay ang labis na popularidad ni Pangulong Duterte.

Sabi naman ni Robredo na bukas siyang tumakbo sa pagkapangulo gayundin sa lokal na posisyon.


Matatandaang bukas ang 1Sambayan, isang united opposition group na tinipon ni retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, na maging standard-bearer nila sa 2022 polls si Robredo.

Facebook Comments