Nilinaw ni Vice President Leni Robredo na hindi siya tutol sa war on drugs ng administrasyong Duterte.
Sa kanyang programang Biseserbisyong Leni sa RMN Manila, iginiit ng bise presidente na wala siyang sinasabing itigil ang drug war sa halip ay pinayuhan ang pamahalaan na i-assess kung tama pa ba ang istratehiyang ginagamit sa kampanya.
Binigyang-diin ni Robredo ang patuloy na pagtaas ng mga drug addict sa kabila ng war on drugs at ang maraming bilang ng namamatay na karamihan ay mahihirap.
Binanggit din niya ang isyu sa ‘ninja cops’.
Payo pa ni Robredo, huwag maging balat-sibuyas sa mga puna.
Matatandaang binatikos si Robredo matapos umano niyang sabihin na “failure” ang war on drugs ng administrasyon.
Facebook Comments