VP Leni Robredo, nilinaw na hindi siya nag-a-apply ng posisyon sa IATF

Binigyang diin ni Vice President Leni Robredo na hindi niya hinihiling ang anumang posisyon sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Nabatid na hinamon ni dating Senador Antonio Trillanes IV ang Malacañang na italaga si Robredo bilang pinuno ng IATF, pero binara siya ni Presidential Spokesperson Harry Roque at sinabing hindi kailangan ni Robredo ng posisyon para tumulong kung tunay ang mga intensiyon nito.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, iginiit ni Robredo na hindi niya kailangan ng posisyon para tumulong sa publiko.


Sinabi rin ni Robredo na hindi siya umatras sa hamon noong siya ay italaga bilang Housing Czar at Anti-Illegal Drugs Committee Co-Chairperson.

Kaugnay nito, sang-ayon si Robredo kay Ombudsman Samuel Martires at dating Special Adviser Dr. Anthony Leachon na may pagkukulang ang pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19.

Nabatid na nagkasa ang Ombudsman ng imbestigasyon laban sa Department of Health (DOH), habang pinagbitiw si Leachon bilang special adviser ng National Task Force Against COVID-19 dahil sa tweets nito na kritikal sa DOH.

Facebook Comments