VP Leni Robredo, positibong agad na maipapasa ang panukalang “First 1000 Days Program”

Manila, Philippines – Positibo si Vice President Leni Robredo na agad na maipapasa sa kongreso ang panukalang “First 1000 Days Program.”

Kamakailan, inihain ni Senador Sonny Angara ang Senate bill no.136 na layong bigyan ng isang komprehensibong health care program ang mga mag-ina mula sa siyam na buwang pagbubuntis hanggang sa unang dalawang taon ng bata.

Sa programang “BISErbisyong Leni” ng RMN-DZXL 558khz, binigyang-diin ni Robredo ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalusugan ng mga ina at bata.


Aniya, malaking tulong ito para masolusyunan ang malnutrisyon na matagal nang problema ng bansa.

Kabilang sa mga senyales ng malnutrisyon ang kakulangan ng timbang, pagiging sobrang payat at stunded o “bansot”.

Dagdag pa ni Ms. Dyan Rodriguez, advocacy coordinator ng Action Against Hunger – malaking problema ang ‘stunting’ dahil nakaaapekto ito sa mental development ng mga bata.
Kaugnay nito, umaasa rin ang Bise Presidente na magiging permanente na ang status ng mga barangay health workers at barangay nutrition scholars na aniya’y malaking tulong sa pagpapaabot ng mga programang pangkalusugan lalo na sa mga malalayo at tagong lugar.

Facebook Comments