Meralco, nag-abiso sa pansamantalang pag-antala ng suppy ng kuryente bukas

195

Manila, Philippines – Nag-abiso ang Meralco sa mga consumer na pansamantalang maantala ang supply ng kuryente bukas ng umaga sa ilang lugar sa Pasay at Makati City.

Kabilang sa mga nabanggit na lugar ay ang Taft Avenue, Padre Zamora St., at Dominguez Street sa Pasay City bandang alas-8 ng umaga, alas-8:30, alas-12:00 ng tanghali at ala-una ng hapon.


Habang mawawalan din ng kuryente sa bandang gil Puyat Ave., Padre Burgos St. Arnaiz Avenue at Taft Avenue sa Makati City ng alas-8 ng umaga at ala-1 ng hapon.

Ayon sa Meralco, ito ay dahil sa isinasagawang line reconstruction sa kahabaan ng Padre Burgos St.

 

Facebook Comments