VP Leni Robredo, tinukoy ni PNP Chief na kabilang sa mga nagpapakalat ng maling datos ng homicide case sa bansa

Manila, Philippines – Tinukoy ni PNP Chief Dir. Gen Ronald Dela Rosa si Vice Pres. Leni Robredo na kabilang sa nagpapakalat ng maling impormasyon kaugnay sa bilang ng napapatay sa bansa may kinalaman sa iligal na droga.
 
Ayon kay PNP Chief Dela Rosa mali ang datos na ipinapakalat ni Robredo at iba pang grupo kasama na ilang media outfit patungkol sa bilang ng pagpatay sa bansa
 
Batay kasi aniya sa rekord ng Directorate for Investigation Detective Management o DIDM sa pamamagitan ni Director Augusto Marquez 6011  ang kabuuang homicide cases ito ay  mula noong july 1 2016 hanggang March 24,2017.
 
Aniya out of 6011, 1398 dito ay drug related,828 ay not drug related at 3785 inaalam pa ang dahilan ng pagpatay.
 
Ayon kay Dela Rosa nasasaktan sila sa akusasyon na laganap ang patayan sa bansa.
 
Kaya pakiusap ni De La Rosa,  kay VP Leni Robredo pakinggan ang kanilang mga paliwanag hinggil sa homicide cases sa bansa at baguhin ang kaniyang data.
 
Mataas umano ang kanilang respeto sa ikalawang pangulo  ngunit mali ang kaniyang impormasyon sa homicide cases.
 
 Wala aniyang katotohanan na 7000 na ang namatay dahil sa ilegal drugs.
 
Dagdag pa ni Dela Rosa posible aniyang may malisya o may motibo ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon na sirain ang kanilang kampanya kontra iligal na droga.


Facebook Comments